Friday, June 27, 2008

Bakit may tanong?

OO nga bakit ba may tanong? magulo lang cguro ang isip ko kaya na tanong ko ang sarili ko bakit may mga bagay sa mundo na mahirap maintindihan at intindihin.. tulad ng badtrip ako sa bahay kasi ung tatay ko ewan di ko maintindihan..mag set man ako ng deadline para sa kanya kulang parin kahit na mahaba na ung dead line ,... parang ako pa ata ung nag papalaki sa magulang..or magugulang lang talaga sila? ...Ganun cguro pag palpak ung mga parents mo deadma na lang sa kapalpakan nila pero pag tayong mga anak nila pumalpak katakottakot na mura at masasakit na salita ang maririnig natin sa kanila.. Pero pag sila d cla pedeng cchin or pag sabihan..kaya minsan na iisip ko na mawala na lang na parang bula, oo ung parang BULA.. Ung BUBBLES.. para d na ako ma apektohan sa araw araw na ginawa ng DIyos na kahihiyan na pang hilamos ko sa mukha ko..

Gusto ko mag Bago..

Pero san ako mag sisimula?
Pano ko sisimulan?
may mali ba sa akin na dapat kung bagohin?

Yan lang nmn ung Simpleng Tanong na Di ko masagot..
Ang hirap ng Buhay... D nmn tayo mabubuhay sa mundo ng permanente dba para seryosohin lahat ng bagay...
At saka ayaw kung mag give up sa buhay kasi alam kung marami pa akong haharapin sa Bukas.. Anu man Yun at Kung saan man Yun.. haharapin ko yun
Masayadong marami na akong pahirap na dinaanan para sumoko na lang....
Kaya ang ma sasabi ko lang sa buhay ay

tang ina nyu....
ang daming na gugutom sa paligid ko!!!!


Tuesday, February 12, 2008

i wish i was a little bit shorter

naka usap ko ung labs ko last night..... dem ang haba ng usapan namin about kung anu anu feel ko tuloy bibigyan pa nya ako ng huling pag kakataon.. pero ang d nya lang alam ang daming tanong na na ikot sa isip ko d ko alam kung san ako mag uumpisa at pano ko uumpisahan....awts gusto ko sanang tapusin tong sinulat ko kaso i have to go may job interview ako.. at hindi ko ina asahan.. na habang nag susulat ako weh may tatawag sakin....kaya wish me luck na lang po.. promise madami pa akong isusulat about me at mga past ko na nakaka trauma......

Tuesday, February 5, 2008

in love ako sa taong imposible...

ahihi...! yan po ang na raramdaman ko ngayon sa isang tao na iwan ko ba kung bakit. well sabihin na natin na d ako magaling sa mga bagay bagay na yan ung tinatawag nilang ''love'' kasi lagi kung sinasabi na na kakain ba yan? kalokohan lang yan.! pero ng dumating sakin ung ''love'' na tinatawag nila weh ang tanging na reply lang ng mga kaibigan ko ay ...'' buti nga sayo'' yan na karma ka tuloy..well alam mo ung feeeling na every minute weh sya ung laman ng isip mo at name nya ung na aalala mo at ung babae na un weh wapakels . kasi im late na my BF na daw sya.! WTF..! ang hirap pla pag ganun para syang sumpa sya na ata ung kyptonite ko she makes me weak. pero ang problema ay ayaw nya na lapitan ko sya or kausapin man lang as in lagi nya akong tinatarayan. kaya tinigil ko na lang pag diga sa kanya kasi in short '' busted'' na agad akow. dahil my BF na daw sya at kung anu anu pang ka ek ek kan na excuses nya. ang hirap pla ma inlove sa taong imposible anu. tao na nasa oposite side ng mga paniniwala ko bakit ba minsan may mga tao na tulad ko kung sino ung tao na tutol sa mga trip ko at paniniwala sya pa ung gusto ko. kaya sabihin ko na lang na i dont give a pak about her any more pero deep inside im crushed na parang yelo. d ko rin kasi sya ma bibiyang ng atensyon at time pag nag ka taon. magiging un fair lang ako sa kanya. kaya cguro ayaw rin nya sa akin kasi alam nya kung anu mang yayari. wat the na alala ko naman sya every 11 secs. ay name nya pumapasok sa isip ko. para syang curse.. kaya ayaw ko ma in love at d ko hininge na ma inlove ako masaya na sana ako sa buhay ko kahit mag isa lang ako pero simula ng makilala ko sya anak ng ... tokwa nmn d ko ma explain kung ano meron sya at ung anino nya ang gusto ko makita at ung ngiti nya. kaso malayo na ako sa kanya ngayon.. wala rin akong choice kung pag dasal na lang sya and to wish her luck.. wishawishawish!!

Tuesday, September 11, 2007

turning back around again.

well last nyt tumawag ung sister ko na miss naraw nila ako, akorin nmn eh na miss ko na rin sila kahit papano. naging fucos kasi ng atensyon ko ang journey kung life of mine. na wala na sa isip ko na may kapatid pa pla ako, at sya lang ung person na close sa akin since the day i was born,kahit minsan feel ko na ung buhay namin ay curse na dapat kami mag suffer at i cross ang mga hurdle na naka harang sa path way nmin na dapat tahakin. kaya na isip ko kagabi na mag resign na lang sa trabaho ko d2 at umuwi na lang sa amin( feel ko tuloy i failed.). besides lahat nmn nag failed dba? marami din nmn job opportunity dun sa amin weh. at saka ung kapatid ko mag isa lang un dun wala rin syang kakampi tulad ko d2 one man army din, kaya nag disisyon na ako na mag resign na lang d2 sa job ko at dun na muna mag job hunt sa amin tym na cguro para iwan ko tong manila 5yrs din ako d2 sa manila at na buhay ako ng mag isa d2 mamimiss ko e2 cgurad0. pero ganun talaga ang buhay always turning back around again, pa ikot ikot lang at hindi na titigil. anu kaya mga mukha nila pag na kita nila ulit ako na excite tuloy ako habang nag susulat d2 sa blog ko. pero ung plan ko pag uwi ko doon aayosin ko lang mga unfinish business at cguro pag ka tapos ay lalabas na rin ako ng bansang e2. mag iipon muna ulet ako money is not an option sa taong willing kaya hindi na imposible sa akin ung as long as wala tayu tinatapakang iba at buhay na sisirain para lang sa sariling interest, kaya mamiss ko lahat ng mga naging kasama ko d2 sa manila for 5 yrs. well ganun talaga ang buhay we meet new people every day sa buhay natin pero after next day ma realize din natin na sila ay pipols din na tulad natin ung iba na gugustohan natin ung iba ka iinisan natin at ganun din sila.( ang drama ko pla amp) . sang bansa kaya ako pupulutin after dis wala pa akong idea kung san para exciting hehehe..

Tuesday, August 28, 2007

halika maglaro tyu ng giyera..

pano ba nag umpisa ung parang laro na lang na ating na kikita sa paligid natin na kung tawagin ay giyera. kahit may mga inosenteng na dadamay tuloy parin ang laban kahit kaiibigan mo ay sa isang iglap ay pumanaw anumang oras ay may kapalit na parating ng ganun lang ka dali at kabilis. habang tigil muna ung laban may oras pa ng pahinga habang nag paplano ng malaking opensa ung kabilang pwersa at ang punterya ay mga sibilyan sa luneta.terorista sila kung tawagin ng mga na kararami anu ba ang layunin nila na nais iparating sa pamahalan at kailangan pa nila mag armas para lang maging patas para sa kanilang pananaw ang hustisya. at kung ma babalitan mo ung mga kabanata at eksena sa telebisyon at radyo para pala silang mga artista may mga taga hanga rin sila. na sunod sunoran sa bawat utos nila kahit mag buwis ng buhay ng iba hindi nila alintana. basta masunod lang ang nais ng kanilang tinitingala. hindi ba na kakatuwang isipin na ganito na ang nangyayari sa paligid natin.na kakagawa na tyu ng armas na kayang kumitil ng buhay ng marami sa isang iglap lang. naging negosyo pa ito ng ng ilan pag benta ng armas sa parehong nag lalaban para lang mag patuloy ung larong nilang kina gigiliwan.habang tyu ay nag aabang ng mga susunod nilang hakbang na kung saan walang mananalo maliban cguro sa tindero nila ng baril. cguro nga ang laro nila ay hindi na titigil na hihinto panandalian pero hindi na titigil.

Friday, August 24, 2007

pag kain ng balot...

madali lang pag kain ng balot lalo na pag pinoy ka..pampatibay ng tuhod sabi nila kaya ok na rin ako.(marami sila weh..) magkano na nga ba ung balot ngayun 11.00 pesos na ata ur sampo mag kano kuha nila sa balot nila ngayun 7.00 pesos isa? mahal na pla ngayon ung balot na alala ko pa noon 3 bente lang ung balot. so ung forty ko nakaka anim na balot na ako pag uwi ko sa bahay d na ako na kaing haponan busog na ako.. pero mas gusto ko ung balot na malaki ung sisiw kasi sa loob ko nag balot pa ako kung maliit lang ung sisiw dba. at lalo na ung malaking sisiw na balot sa puti wow..tulo na laway ko ..pero mahal na ung balot 10.oo na fishball na sikat ata ngayun d na balot kunti na lang nag titinda ng balot bakit ganun anu na ngyari sa mga itik farm ng pinas endangered na ba ung itik ng pinas. at si fishball na ung nag takeover sa kalye pag gabi?

tip para maka tipid ng balot sabihin mo sa mamang tindero na kung merong syang crak na balot kasi ganun din yun babasagin mo rin ung balot. at kung meron baka pede ka nyang bigyan ng discount..hehehe so imbis na sampo pede mong bilihin sa kanya ng nueve or ocho.. grabe nmn ung tawad na ocho nueve na lang kawawa nmn ung tindero pag my crak na balot sa kanya..hahahaha..hay balot ng nmn uu..

same old me..

hello there.... yan lagi ang cnsb ko sa mga tao na d ko kilala ..tulad mo. ewan ko lang kung may nag babasa ng mga sinusulat ko d2. na kakahiya pero sinusulat ko parin ang mga bagay o salita na nasa isp ko na tapos na nmn ang umaga ko na wala man lang progress . cguro may tatangap pa sakin kahit ganto lang ako homeless na jobless pa nakikisampay na ako ng bituka ko sa d ko kamag anak..na kakahiya na pero tinitiis ko na lang. ang tigas talaga ng mukha ko anu.. cge mga dude d2 na lang muna.